habiku 1319. may anino ang yabag

May 13, 2017

may anino ang yabag

may 13, 2017 by rey de vera

 

dalaw ng paroparo

usal na malat

namagaspas sa kwarto

 

nb: alaala kay maria ng fatima

habiku 1318. nabighani ang silaw

May 1, 2017

nabighani ang silaw

alay sa palamuti

gubat ng dasal

bulaklak na umuwi

nb: alaala sa flores de maria

Salinayon: Pangalawang Aklat ng Pagsasalin

April 14, 2017

Gusto kong gawin ang pangalawang aklat sa “Salinsin”. Isang pagsasalin na isasali ang mga makatang mula sa nayon o kanayunan. Isang pagsasalin ng mga pinili kong tula at awit na nakasulat sa Ingles at isasalin sa Tagalog. Wikang Tagalog na gagamit sa vernacular at dialect ng mga taong naninirahan o nanirahan sa Tagalog speaking provinces. Kayat alam nila ang nuances ng mga salita ng mga taong nakatira sa partikular na pook ng nasabing mga lalawigan o bahagi ng lalawigang may Tagalog speakers.

Dito maaring makita ang inter-active translation ng mga gawa. Parang workshop muna tapos ang final outcome ay siyang malilimbag. Maaring mai-post muna sa isang common blog of Facebook page ang proposed translation ng isang tula o awit. Tapos kung iko-consider niya ang mga comments o suggestions then, iyon na. Titingnan ko ang natapos na gawa kung ang batayan ng mga pagsasalin sa “Salinsin” ay nahayon at naaayon sa pamantayan ko na isama sa “Salinayon”.

Kaya lang ang nakikita ko ay ang hirap na dadanasin ng isang sasali at magsisikap na magsalin kung walang pormal na pagsasanay o pag-attend man lang isang seminar-workshop ng KWF o mga grupong nagpapalawak ng gawain sa pagsasalin. Ang isang tagapagsalin/tagasalin ng tula at awit ay dapat nakakaunawa ng mga elemento ng tulang tagalog lalo na ang tugma, pantig, at pahinga o caesura.

Maari nang isang panimulang patnubay ang susunod na artikulo mula sa sinulat ni Nathan Ungab noong 11 November 2012.

Transcript of Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin

Arellano, Ungab, Velasco Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin
1. Sapat na kaalaman sa 2 wikang kasangkot sa Pagsasalin
2. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag.
3. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
4. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin a) Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
a) Malaking tulong para masapol ang konseptong napapaloob
A. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ay makatutulong para masapol ang tunay na nais paratingin ng teksto.
A. Tandaan na ang wika ng isang bansa ay laging nakabuhol sa kanyang kultura.
1. kailangang maunawaan ang bawat himaymay ng kahulugan ng salita, gamitin ang anyo ng mga pananalitang karaniwang ginagamit ng nakararami.
2. Pag-isipan at suriin ang angkop na salitang gagamitin sa salin
3. Kung may alinlangan sa kahulugan gumamit ng diksyunaryo kung kinakailangan
b) Nagkakaroon ng iba’t ibang paraan ng pagsasalin ng parirala, pangungusap, talataan, idyoma at tula
B. Magsaliksik para makatipon ng iba pang impormasyon para mas lumawak ang kaalaman na malaking tulong sa magiging bisa at kahusayan ng salin
C. Kailangang ganap na maunawaan ng tagapagsalin ang nilalaman at intensyon ng awtor ng akdang isinasalin.
B. Kung ano ang mga kahulugang sangkot sa kahulugan ng mga salitaHal: Ingles Filipino
rice rice
1. He plants rice : (palay) 1. Nagtatanim siya ng palay.
2. He cooks rice:(bigas) 2. Bumili siya ng bigas.
3.He eats some rice: (kanin) 3. Nagluto siya ng kanin.
4. Kumain siya ng bahaw.
5. Nagluto si nanay ng malagkit.
5. Sapat na kalaman sa gramatika ng dalawang wikang kaugnay sa pagsasalin
A. Alamin ang istuktura o ayos ng pangungusap ng isasalin (Ingles) para maiakma sa wikang pagsasalinan (Filipino)
Hal: Ingles Filipino 1. Ayos ng pangungusap Subject + Predicate
Panaguri + PaksaPaksa + panaguri
2. Pagpaparami ng pangngalan Mouse —-> mice daga —-> mga daga
kiss —–> kisses halik —–> mga halik
3. Impleksiyon ng pandiwa – natapos na ba ang kilos, ipinagpapatuloy pa o binabalak pa lang gawin ang aksyon.

Mayroon namang mas malalim ang pagtalakay sa pagsasalin tulad ng sumusunod:
Ito ay mula sa aklat ni Alfonso O. Santiago
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagpagsaling-Wika (Nida at Savory)
Tungkulin ng isang tagapagsaling-wika ang mailipat niya sa wikang kanyang pagsasalinan ang diwang ipinahahayag sa wikang isinasalin. At upang maging maayos ang kanyang pagsasalin, dapat din niyang unawain hindi lamang ang nakikitang nilalaman ng paksa kundi gayundin ang natatagong kahulugan nito, ang mga emosyong napapaloob sa mga salita at ang estilo na siyang nagbigay-kulay at ganda sa diwang nais ipahayag ng awtor.

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
Ayon kay Nida, ang katangiang ito ang “first and foremost requirement of any translator.” Tungkol sa wikang isasalin, hindi raw sapat na nakukuha niya ang general drift ng kahulugan ng kanyang isinasalin o kaya’y mahusay siyang kumonsulta sa diskyonaryo. Kailangang maunawaan din niya ang maliliit na himaymay ng kahulugan, ang bahagyang pandamdaming taglay ng mga salita, at ang ginamit na estilo na siyang bumuo ng “flavor and feel of the message.”

2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
Ito ay tumutukoy sa kaalaman sa kakanyahan ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Kailangang maunawaan ng tagapagsalin, halimbawa, ang pagkakaiba sa balangkas ng Ingles at Filipino. Iba ang balangkas ng pangungusap, sistema ng paglalapi at pagbuo ng mga parirala na hindi maaaring ilipat sa Filipino. Ang kaalamang ito ay kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri o pagbatid sa tunay na diwang nais ipahatid ng awtor, gayondin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong pagbubuo, pagsusunud-sunod atbp.

3. Sapat na kakakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag
Ang ginamit na parirala ni Nida rito ay “capacity for literary expression.” Magkaiba ang kakayahan sa wikang pampanitikan kaysa karaniwang kakayahan sa paggamit ng wika. Kung ang isasalin ay tula, higit n mabuting ang maging tagapagsalin nito ay isa ring makata sapagkat iba ang hagod ng makata. Iba ang kanyang paraan ng paghahanay at pagpili ng mga salita.

4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
Ang isang guro, halimbawa, na hindi nagtuturo ng biology ay hindi magiging kasinghusay na tagapagsalin ng gurong nagtuturo nito. Nakalalamang ang tagapagsalin na higit na may kaalaman sa paksa sapagkat siya ang higit na nakasasapol sa paksa at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.

5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin
Ang alinmang wika ay nakabuhol sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. Ang Ingles ay wikang kasangkapan ng mga Amerikano sa pagpapahayag ng kanilang kultura; ang wikang Filipino ay gayundin sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino. At gaya ng alam natin, ang Amerika at Pilipinas ay dalawang bansang lubhang malaki ang pagkakaiba sa kultura.

Sa gayon, masasabi nating walang wikang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng sariling kulturang kinabubuhulan nito.

Definisyon:
Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isinasalin.

Dahilan Kung Bakit Mahirap Magsalin ng Tula
Sinasabing mas mahirap magsalin ng mga tekstong di-teknikal sa teknikal. Sa mga tekstong teknikal, kapag nauunawaan ng tagapagsalin ang nilalaman ng kanyang isinasalin, ang problema lamang niya ay ang mga katawagan o terminolohiyang gagamitin. At ito nama’y problemang napakadaling lutasin sapagkat maaari naman niyang hiramin sa isinasaling teksto ang mga katawagang gagamitin sa kanyang salin.
Samantala, naniniwala ang teorista at praktisyuner na higit na mahirap ang pagsasalin ng tula sapagkat:
1. mas mahirap unawain ang diwang ipinahahatid ng makata
2. gumagamit ang mga makata ng tayutay
3. kailangang pangalagaan ang estilo ng awtor lalo na kung kumbensyunal ang pagkasulat nito
4. magkaibang kultura ng orihinal na sumulat at ng tagapagsalin
5. panahon ng pagkasulat

Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsasalin
1. Basahin muna nang buo ang isasalin upang maunawaan ang pangkalahatang diwang
napapaloob dito bago magsimula sa pagsasalin.
* Magtala ng mga salitang naiisip mong mahirap tumbasan sa pagsasalinang wika.

2. Isagawa ang unang burador ng salin
*Alalahaning isalin ang diwa hindi lang ang mga salita.

3. I-edit o pakinisin ang salin.
* Hayaang dumaan ang salin sa “refrigeration”.
a. kayarian ng pangungusap
b. pagkakaltas ng mga salita o pangungusap na borloloy lamang
c. pangungusap na malabo ang diwang pahatid
d. salitang hindi angkop sa sa antas na pinag-uukulan ng salin
e. gamit ng mga salita/ispeling
f. mga pang-ugnay

*mula sa aklat na Pagsasaling-Wika ni Alfonso O. Santiago

May pagkaunawa at pag-arok ang tagasalin sa binabanggit na mga termino:

Glossary of Poetry Terms

This index of common poetry terms—from alliteration to verse—will take the mystery out of the art form. Whether you’re a student looking to improve your creative writing skills or someone who just wishes to learn more about the craft of poetry, this glossary will help make sense out of the many terms and types of poetry.

accent
The prominence or emphasis given to a syllable or word. In the word poetry, the accent (or stress) falls on the first syllable.
alexandrine
A line of poetry that has 12 syllables. The name probably comes from a medieval romance about Alexander the Great that was written in 12-syllable lines.
alliteration
The repetition of the same or similar sounds at the beginning of words: “What would the world be, once bereft/Of wet and wildness?” (Gerard Manley Hopkins, “Inversnaid”)
anapest
A metrical foot of three syllables, two short (or unstressed) followed by one long (or stressed), as in seventeen and to the moon.The anapest is the reverse of the dactyl.
antithesis
A figure of speech in which words and phrases with opposite meanings are balanced against each other. An example of antithesis is “To err is human, to forgive, divine.” (Alexander Pope)
apostrophe
Words that are spoken to a person who is absent or imaginary, or to an object or abstract idea. The poem God’s World by Edna St. Vincent Millay begins with an apostrophe: “O World, I cannot hold thee close enough!/Thy winds, thy wide grey skies!/Thy mists that roll and rise!”
assonance
The repetition or a pattern of similar sounds, especially vowel sounds: “Thou still unravished bride of quietness,/Thou foster child of silence and slow time” (“Ode to a Grecian Urn,” John Keats).
ballad
A poem that tells a story similar to a folk tale or legend and often has a repeated refrain. “The Rime of the Ancient Mariner” by Samuel Taylor Coleridge is an example of a ballad.
ballade
A type of poem, usually with three stanzas of seven, eight, or ten lines and a shorter final stanza (or envoy) of four or five lines. All stanzas end with the same one-line refrain.
blank verse
Poetry that is written in unrhymed iambic pentameter. Shakespeare wrote most of his plays in blank verse.
caesura
A natural pause or break in a line of poetry, usually near the middle of the line. There is a caesura right after the question mark in the first line of this sonnet by Elizabeth Barrett Browning: “How do I love thee? Let me count the ways.”
canzone
A medieval Italian lyric poem, with five or six stanzas and a shorter concluding stanza (or envoy). The poets Petrarch and Dante Alighieri were masters of the canzone.
carpe diem
A Latin expression that means “seize the day.” Carpe diem poems urge the reader (or the person to whom they are addressed) to live for today and enjoy the pleasures of the moment. A famous carpe diem poem by Robert Herrick begins “Gather ye rosebuds while ye may…”
chanson de geste
An epic poem of the 11th to the 14th century, written in Old French, which details the exploits of a historical or legendary figure, especially Charlemagne.
classicism
The principles and ideals of beauty that are characteristic of Greek and Roman art, architecture, and literature. Examples of classicism in poetry can be found in the works of John Dryden and Alexander Pope, which are characterized by their formality, simplicity, and emotional restraint.
conceit
A fanciful poetic image or metaphor that likens one thing to something else that is seemingly very different. An example of a conceit can be found in Shakespeare’s sonnet “Shall I compare thee to a summer’s day?” and in Emily Dickinson’s poem “There is no frigate like a book.”
consonance
The repetition of similar consonant sounds, especially at the ends of words, as in lost and past or confess and dismiss.
couplet
In a poem, a pair of lines that are the same length and usually rhyme and form a complete thought. Shakespearean sonnets usually end in a couplet.
dactyl
A metrical foot of three syllables, one long (or stressed) followed by two short (or unstressed), as in happily. The dactyl is the reverse of the anapest.
elegy
A poem that laments the death of a person, or one that is simply sad and thoughtful. An example of this type of poem is Thomas Gray’s “Elegy Written in a Country Churchyard.”
enjambment
The continuation of a complete idea (a sentence or clause) from one line or couplet of a poem to the next line or couplet without a pause. An example of enjambment can be found in the first line of Joyce Kilmer’s poem Trees: “I think that I shall never see/A poem as lovely as a tree.” Enjambment comes from the French word for “to straddle.”
envoy
The shorter final stanza of a poem, as in a ballade.
epic
A long, serious poem that tells the story of a heroic figure. Two of the most famous epic poems are the Iliad and the Odyssey by Homer, which tell about the Trojan War and the adventures of Odysseus on his voyage home after the war.
epigram
A very short, witty poem: “Sir, I admit your general rule,/That every poet is a fool,/But you yourself may serve to show it,/That every fool is not a poet.” (Samuel Taylor Coleridge)
epithalamium (or epithalamion)
A poem in honor of a bride and bridegroom.
feminine rhyme
A rhyme that occurs in a final unstressed syllable: pleasure/leisure, longing/yearning.
figure of speech
A verbal expression in which words or sounds are arranged in a particular way to achieve a particular effect. Figures of speech are organized into different categories, such as alliteration, assonance, metaphor, metonymy, onomatopoeia, simile, and synecdoche.
foot
Two or more syllables that together make up the smallest unit of rhythm in a poem. For example, an iamb is a foot that has two syllables, one unstressed followed by one stressed. An anapest has three syllables, two unstressed followed by one stressed.
free verse (also vers libre)
Poetry composed of either rhymed or unrhymed lines that have no set meter.
haiku
A Japanese poem composed of three unrhymed lines of five, seven, and five syllables. Haiku often reflect on some aspect of nature.
heptameter
A line of poetry that has seven metrical feet.
heroic couplet
A stanza composed of two rhymed lines in iambic pentameter.
hexameter
A line of poetry that has six metrical feet.
hyperbole
A figure of speech in which deliberate exaggeration is used for emphasis. Many everyday expressions are examples of hyperbole: tons of money, waiting for ages, a flood of tears, etc. Hyperbole is the opposite of litotes.
iamb
A metrical foot of two syllables, one short (or unstressed) and one long (or stressed). There are four iambs in the line “Comelive/ with me/ and be/ my love,” from a poem by Christopher Marlowe. (The stressed syllables are in bold.) The iamb is the reverse of the trochee.
iambic pentameter
A type of meter in poetry, in which there are five iambs to a line. (The prefix penta– means “five,” as in pentagon, a geometrical figure with five sides. Meter refers to rhythmic units. In a line of iambic pentameter, there are five rhythmic units that are iambs.) Shakespeare’s plays were written mostly in iambic pentameter, which is the most common type of meter in English poetry. An example of an iambic pentameter line from Shakespeare’s Romeo and Juliet is “But soft!/ What light/ through yon/der win/dowbreaks?” Another, from Richard III, is “A horse!/ A horse!/ My king/dom for/ a horse!” (The stressed syllables are in bold.)
idyll, or idyl
Either a short poem depicting a peaceful, idealized country scene, or a long poem that tells a story about heroic deeds or extraordinary events set in the distant past. Idylls of the King, by Alfred Lord Tennyson, is about King Arthur and the Knights of the Round Table.
lay
A long narrative poem, especially one that was sung by medieval minstrels called trouvères. The Lais of Marie de France are lays.
limerick
A light, humorous poem of five usually anapestic lines with the rhyme scheme of aabba.
litotes
A figure of speech in which a positive is stated by negating its opposite. Some examples of litotes: no small victory, not a bad idea, not unhappy. Litotes is the opposite of hyperbole.
lyric
A poem, such as a sonnet or an ode, that expresses the thoughts and feelings of the poet. A lyric poem may resemble a song in form or style.
masculine rhyme
A rhyme that occurs in a final stressed syllable: cat/hat, desire/fire, observe/deserve.
metaphor
A figure of speech in which two things are compared, usually by saying one thing is another, or by substituting a more descriptive word for the more common or usual word that would be expected. Some examples of metaphors: the world’s a stage, he was a lion in battle, drowning in debt, and a sea of troubles.
meter
The arrangement of a line of poetry by the number of syllables and the rhythm of accented (or stressed) syllables.
metonymy
A figure of speech in which one word is substituted for another with which it is closely associated. For example, in the expression The pen is mightier than the sword, the word pen is used for “the written word,” and sword is used for “military power.”
narrative
Telling a story. Ballads, epics, and lays are different kinds of narrative poems.
ode
A lyric poem that is serious and thoughtful in tone and has a very precise, formal structure. John Keats’s “Ode on a Grecian Urn” is a famous example of this type of poem.
onomatopoeia
A figure of speech in which words are used to imitate sounds. Examples of onomatopoeic words are buzz, hiss, zing, clippety-clop, and tick-tock. Keats’s “Ode to a Nightingale” not only uses onomatopoeia, but calls our attention to it: “Forlorn! The very word is like a bell/To toll me back from thee to my sole self!” Another example of onomatopoeia is found in this line from Tennyson’s Come Down, O Maid: “The moan of doves in immemorial elms,/And murmuring of innumerable bees.” The repeated “m/n” sounds reinforce the idea of “murmuring” by imitating the hum of insects on a warm summer day.
ottava rima
A type of poetry consisting of 10- or 11-syllable lines arranged in 8-line “octaves” with the rhyme scheme abababcc.
pastoral
A poem that depicts rural life in a peaceful, idealized way.
pentameter
A line of poetry that has five metrical feet.
personification
A figure of speech in which things or abstract ideas are given human attributes: dead leaves dance in the wind, blind justice.
poetry
A type of literature that is written in meter.
quatrain
A stanza or poem of four lines.
refrain
A line or group of lines that is repeated throughout a poem, usually after every stanza.
rhyme
The occurrence of the same or similar sounds at the end of two or more words. When the rhyme occurs in a final stressed syllable, it is said to be masculine: cat/hat, desire/fire, observe/deserve. When the rhyme occurs in a final unstressed syllable, it is said to be feminine: longing/yearning. The pattern of rhyme in a stanza or poem is shown usually by using a different letter for each final sound. In a poem with an aabba rhyme scheme, the first, second, and fifth lines end in one sound, and the third and fourth lines end in another.
rhyme royal
A type of poetry consisting of stanzas of seven lines in iambic pentameter with the rhyme scheme ababbcc. Rhyme royal was an innovation introduced by Geoffrey Chaucer.
romanticism
The principles and ideals of the Romantic movement in literature and the arts during the late 18th and early 19th centuries. Romanticism, which was a reaction to the classicism of the early 18th century, favored feeling over reason and placed great emphasis on the subjective, or personal, experience of the individual. Nature was also a major theme. The great English Romantic poets include Wordsworth, Coleridge, Byron, Shelley, and Keats.
scansion
The analysis of a poem’s meter. This is usually done by marking the stressed and unstressed syllables in each line and then, based on the pattern of the stresses, dividing the line into feet.
senryu
A short Japanese poem that is similar to a haiku in structure but treats human beings rather than nature, often in a humorous or satiric way.
simile
A figure of speech in which two things are compared using the word “like” or “as.” An example of a simile using like occurs in Langston Hughes’s poem “Harlem”: “What happens to a dream deferred?/ Does it dry up/ like a raisin in the sun?”
sonnet
A lyric poem that is 14 lines long. Italian (or Petrarchan) sonnets are divided into two quatrains and a six-line “sestet,” with the rhyme scheme abba abba cdecde (or cdcdcd). English (or Shakespearean) sonnets are composed of three quatrains and a final couplet, with a rhyme scheme of abab cdcd efef gg. English sonnets are written generally in iambic pentameter.
spondee
A metrical foot of two syllables, both of which are long (or stressed).
stanza
Two or more lines of poetry that together form one of the divisions of a poem. The stanzas of a poem are usually of the same length and follow the same pattern of meter and rhyme.
stress
The prominence or emphasis given to particular syllables. Stressed syllables usually stand out because they have long, rather than short, vowels, or because they have a different pitch or are louder than other syllables.
synecdoche
A figure of speech in which a part is used to designate the whole or the whole is used to designate a part. For example, the phrase “all hands on deck” means “all men on deck,” not just their hands. The reverse situation, in which the whole is used for a part, occurs in the sentence “The U.S. beat Russia in the final game,” where the U.S. and Russia stand for “the U.S. team” and “the Russian team,” respectively.
tanka
A Japanese poem of five lines, the first and third composed of five syllables and the rest of seven.
terza rima
A type of poetry consisting of 10- or 11-syllable lines arranged in three-line “tercets” with the rhyme scheme aba bcb cdc, etc. The poet Dante is credited with inventing terza rima, which he used in his Divine Comedy. Terza rima was borrowed into English by Chaucer, and it has been used by many English poets, including Milton, Shelley, and Auden.
tetrameter
A line of poetry that has four metrical feet.
trochee
A metrical foot of two syllables, one long (or stressed) and one short (or unstressed). An easy way to remember the trochee is to memorize the first line of a lighthearted poem by Samuel Taylor Coleridge, which demonstrates the use of various kinds of metrical feet: “Trochee/ trips from/ long to/ short.” (The stressed syllables are in bold.) The trochee is the reverse of the iamb.
trope
A figure of speech, such as metaphor or metonymy, in which words are not used in their literal (or actual) sense but in a figurative (or imaginative) sense.
verse
A single metrical line of poetry, or poetry in general (as opposed to prose).
Sa ganito, sana ay handa na ang loob ng bumasa sa pagsasalin na sinasabi ko.

habiku 1317. agam ang umanib

March 2, 2017

agam ang umanib

march 2, 2017 by rey de vera

init na sumisilang

lago sa hantik

guho ng pagalangan

 

habiku 1316. may tanglaw na lakad

February 11, 2017
  1. may tanglaw na lakad

february 11, 2017 by rey de vera

 

sumalinag ang buwan

mata ng ulap

ah, esperma sa kamay

Tagalog Translation of Sappho’s Poem “Maidens Dancing In Moonlight”: Salin 22

February 4, 2017

Maidens Dancing In Moonlight

Sappho

Then, as the broad moon rose on high,
The maidens stood the altar nigh;
And some in graceful measure
The well-loved spot danced round,
With lightsome footsteps treading
The soft and grassy ground.

Mga Dilag na Sumasayaw Sa Liwanag ng Buwan

Isinalin ni Rey de Vera

Matapos, habang umaangat ang buwang malapad pataas,

Kagyat sa malapit na altar nagsitayo ang mga dilag;

At ang ilan ay kumukumpas sa kay-iinam na alindog

Sa kinagigiliwang dako sumasayaw nang papaikot,

Buong liksi ang mga yapak umiimbay nang papalukso

Sa lupang malata’t madamo.

habiku 1315. umagos na agipo

February 4, 2017
  1. umagos na agipo

february 4, 2017 by rey de vera

 

binawtismo ang gulod

ulan ng mayo

tuminanlang sa look

habiku 1314 at pagtalakay ng pagkatha

February 1, 2017
  1. may asam ang puyat

february 1, 2017 by rey de vera

halimuyak sa danaw

labi ng gapas

nagkukubli na uhay

pagtalakay ng pagkatha

dito, una muna, nadama ko ang “assault” ng mga images at sitwasyon. kung wala nito, ano naman ang magiging basehan ko sa pagkatha ng habikung ito?

kaya’t lumabas sa simula ang halimuyak ng danaw, simoy ng palayan, ihip ng hangin, umaga sa parang at mga images sa palayan, tanawin, gawain. naandun ang paggagapas, ang mga natira sa pag-ani, ang mga dayaming nagkalat, tinitipong mga labi, mga hindi napansing uhay, o hindi inabot ng karit, o naiwan sa pag-gigiik.

pangalawa ay nagpasya ako na piliin ang “halimuyak sa danaw” bilang magdadala ng tula sa tagumpay na matapos ito. bakit? maganda siya dahil naroon ang kombinasyon ng 2 pangkat ng mga titik. una, ang pangkat ng b, d, g, k, p, t, s para sa pagtutugma sa salitang halimuyak at letrang “k” nito sa dulo o hulihan. at pangalawa, ang pangkat ng m, n, ng, l, r, w, y para sa pagtutugma naman sa salitang danaw at titik “w”.

bakit ulit? dahil magiging madali o magaan ito para sa akin o sa sinumang susubok sa pagkatha ng habiku. magiging mahirap kung ang kumbinasyon ng itutugma ay “ak” sa mga katinig na malakas (b, d, g, k, p, t, s) pa rin. Dahil sa pagsisikap na hindi na ito maulit maging sa una at dulo ng susing salita (key words). kaya’t dapat maitumbas ang “halimuyak” sa salita na ang dulong titik ay mula naman sa grupo ng katinig na mahina (m, n, ng, l, r, w, y), sa ganun, mainam ang salitang “danaw”.

may pangatlong grupo ng titik, ito ang h, a, e, i, o, u. dito naman dapat kunin ang pangatlong salitang susi na isasama sa pagtutugma. kaya’t pumasok ang salitang, “labi”. isa pang paraan ito para maging magaan ang gagawing pagtutumbas.

ngayon, sa hugis at alituntunin ng habiku ito ang dapat sundin: gagamit ng mga katagang ang, sa, ng, na, may, atbp pero iwasan nang ulitin. hindi na rin uulitin ang mga pang-unahan o paghulihang letra. ngayon meron nang anim na letrang hindi na dapat muling gamitin sa unahan o hulihan ng mga salita, ang mga ito ay h, k, d, w, l, at i. mula sa 3 salitang nauna nang gagamitin, ito’y ang halimuyak, danaw, at labi.

kung titingnan ang unang nabuo:

halimuyak sa danaw

labi

sunod na ginawa ko ay dugtungan ng “ng gapas” ang pangalawang linya. ang “gapas” ay tumutugma sa salitang “halimuyak”. at ang titik na g at s ay malalaya pa.

sa pangatlong linya ay inihanay ko ang salitang “uhay”, mas pinili ko sa salitang “palay” dahil nakita ko, kalabisang gamitin pa ito. ika nga, too obvious na. at parang wala akong akmang metaphor na mabuo sa sitwasyong kinakaharap.

kaya’t dito sa pangatlong linya ako medyo nahirapan dahil kailangan ko ng salitang susi na tutugma sa salitang “labi”. maganda sanang maipasok ang salitang dayami. pero, ika nga lalong too obvious na pagsamahin sa isang linya ang dayami at uhay na pareho halos ang kahulugan. liban sa ang uhay ay maaring sariwa o buhay pa. samantalang ang dayami ay nagapas na o medyo natuyo na’t karaniwang pampakain sa hayop bilang sabsabin. at hinahanap ko pa ring makita sa tula ang sitwasyon ng “mga hindi napansing uhay, o hindi inabot ng karit o naiwan sa pag-gigiik.” bilang conclusion.

aba’y mahirap talagang hanapin ang salitang “kubli”. dahil iyon nga, nakakubli. ito ang nagbukas sa tagumpay ng habiku. at ang titik na n at i ay malalaya pa.

ang pinakahuli ay ang pamagat ng tula. hindi na mahirap ito, dahil sa pamagat dapat ilalagay ang mga salitang abstract huwag sa loob ng habiku. nababawasan ang paghahanap sa talagang images. ang images ay kailangang nakikita, una sa lahat. ayon sa alituntunin ng habiku ang unang salitang susi (asam) sa pamagat ay tutugma sa huling salita ng unang linya. at ang pangalawang salitang susi (puyat) sa pamagat ay tutugma sa huling salita ng pangalawang linya. o kung talagang mahirap gawin, patugmain ang una at pangalawang salitang susi ng pamagat sa huling salita ng pangalawang linya.

kung ganoon, sa sitwasyon ng umaga nandoon ang mga salitang “asam” at “puyat”. at ang titik na a, m, p at i ay malalaya pa. ayaw ko nang dadagan pa ng paliwanag para may matira naman sa imahinasyon ng babasa nito at sa obvious na ring basehan kung bakit ito ang napili kong pamagat.

Tagalog Translation of an Excerpt from “The Cloud Messenger”: Salin 20

January 30, 2017

Excerpt from “The Cloud Messenger”

Kalidasa

The heart of the King’s servant was filled with longing,

And with tears suppressed he mused looking at the cloud.

Even the heart of a happy man is moved at the sight of clouds,

What then of one who yearns to clasp his love?

He thought of news to send her through the cloud,

And so he rendered an offering to it of flowers,

And with eager heart addressed these words . . .

“Refuge you are of the love-oppressed, bear this love message,

to Alaka you will have to travel . . .

Oh! you will surely look with steady gaze

At my faithful wife, who counts the days.

Only fond hope prevents the heart of this tender girl

From breaking, though like a flower she is frail . . .

Flamingos will be your fellow-travelers,

You’ll see, as far as Kailasa hill . . .

And whenever you feel weary on your way rest on hill-tops,

And drink from streams their water when oppressed by thirst.

Country girls’ eyes sweet and kind will greet you,

Because you hold the harvest in your hands.

Make their plowed fields fertile as you push on . . .

Forest cutter’s wives you’ll next see playing in the groves,

Pour them water too . . . then pass the river Reva

Rough and full of pebbles . . .”

Hinango mula sa “Ang Sugong Ulap”
Isinalin ni Rey de Vera

Ang puso ng lingkod ng Hari ay natigib ng pangungulila,

At pigil sa pagluha siyang nagnilay habang nakatingin sa ulap.

Kahit ang puso ng masayahing tao’y naantig sa tanawin ng alapaap,

Ano mandin ng isang nagnanasa na mayakap ang kanyang sinta?

Nag-isip siya ng balitang sa pamamagitan ng ulap ay ipapadala sa kanya,

Kaya’t naghandog siya rito ng alay na mga bulaklak,

At ang mga salitang ito’y sabik ang pusong ihinayag . . .

“Kanlungan ka ng mga api sa pag-ibig, dalhin mo itong kalatas ng pag-ibig,

Patungo sa Alaka kailangang maglakbay ka . . .

O! ikaw ay tiyak na titingin nang may malaong titig

Sa aking tapat na asawa, na ang mga araw ay binibilang nito.

Tanging magiliw na pag-asam ang pumipigil sa puso ng mahinhing dilag na ito

Sa pagkawasak, bagaman tulad ng isang bulaklak siya’y dagling nahahapis . . .

Ang mga flamingo ang iyong magiging kasama sa paglalakbay,

Makikita mo, hanggang sa gulod ng Kailasa . . .

At kapag nakadama ka ng pagal sa ‘yong landas sa tugatog ng gulod kagyat mamahinga,

At uminom mula sa mga batis ng tubig nila kapag sinisiil ng uhaw.

Ang mga mata ng mga dalagitang nayon matatamis at magigiliw ay babati sa iyo,

Dahil hawak mo ang pag-aani sa iyong mga kamay na mapaghilom.

Gawin mong manigo ang kanilang inararong bukirin habang ikaw ay sumusulong . . .

Ang mga asawa ng mamumulak sa gubat ay makikita mong naglalaro sa mga asera,

Buhusan mo rin sila ng tubig . . . at pagkatapos ay dumaan sa ilog Reva

Sadyang magaslaw at lipos ng mumunting bato . . .”

Tagalog Translation of Li Po’s Poem “They Fought in the South”: Salin 19

January 28, 2017

They Fought in the South
Li Po

Last year we attacked at Mulberry Flats,
This year we attack on the Onion River roads,
At the T’iao-chih sea we wash our swords in the surf,
At the Heaven’s Hills we pasture our horses to snow and grass.
Three thousand miles – hang on, march, attack!
Three armies – everyone cut up or grown old…
The House of Chin hammered up walls to hold off the hordes,
The House of Han still keeps flickering beacon fires,
It’s always the season for wars.
On the field – Attack! Struggle! Die!
Knocked down horses shriek, whine, and cry to the sky.
Crows, vultures peck human bowels, carrying them they fly.
Lieutenants, privates, Generals! Secretaries! What good do they do?
These so called “arms” are really murderer’s tools…
Benevolent men have for them neither use nor excuse.

Lumaban Sila sa may Timog
Isinalin ni Rey de Vera

Noong isang taon lumusob kami sa Patagan ng Moras,
Ngayong taon lulusob kami sa mga lansangan ng Ilog Sibuyas,
Sa dagat ng T’iao-chih hinugasan namin
sa daluyong ang aming mga tabak,
Sa Kaburolan ng Langit pinastol namin
sa nyebe at damo ang aming mga kabayo.
Tatlong libong milya – sulong, martsa, sugod!
Tatlong hukbo – bawat isa’y natigpas o tumanda…
Ang Bahay ng Chin ay pinanday pataas
ang mga pader upang pigilan ang mangkukuyog,
Ang Bahay ng Han patuloy pa ring pinagkukurap
ang mga ilaw na panghudyat,
Ito’y palagiang panahon para sa mga digmaan.
Sa kaparangan – Manalakay! Makibaka! Mamatay!
Mga kabayong napalugamok umaatungal,
humahalinghing, at pumapalahaw sa kalangitan.
Mga uwak, buwitre, tinutuka mga bituka ng tao,
bitbit nila sila’y naglipana.
Mga Tenyente, raso, Heneral! Sekretaryo!
Ano ang mabuti nilang ginagawa?
Itong mga tinatawag na “sandata”
ay sadyang kasangkapan ng mamamaslang…
Sa mga taong mapitagan ang mga ito
ay walang saysay maging sa gamit o dahilan.